: Basahin nang malakas ang sumusunod na akda. Pagkatapos magbasa, sagotin ang mga tanong na ibibigay ng guro.
Pagganyak: Kaalinsabay ng pag-asenso ay ang pagbabago. Paano hinaharap ng iba ang mga pagbabagong dala ng pag-asenso.
SENYORITA, SENYORITO Nagulat si Remy nang sabihin ni Tinoy na inaanyayahan sila ni Ismael at ng maybahay nito. Si Ismael ang dating kasama ni Tinoy at ang accountant nila na pumalit sa kanya. Habang sakay sila ng taxi, nagugunita nila ang buhay nila noon ni Ismael, pareho silang nagsimula sa ibaba. At natatandaan ni Remy na laging pinupuri ni Tinoy si Ismael dahil palaaral ito at nagsisikap umunlad sa gawain. Sa pagdating nila sa bahay ni Ismael, bigla nilang narinig ang sigaw ng mga bata, "Mommy, Mommy", may tao. Napatitig si Remy sa mga bata, mga anak sila nina Ismael at Arsenia. Di maubos maisip ni Remy ang narinig dahil parehas lang namang ina ang tawag sa mga anak nila sa kanila noon. Nagulat din si Remy sa tawagan nina Arsenia at Ismael, Daddy at Mommy na. Lalo silang nagulat ng may lumabask na dalawang babaeng nakauniporme, "Senyorita, Senyorito", ito ang tawag nila kay Arsenia at Ismael. Nang pauwi na sina Remy at Tinoy, gayon na lamang ang kanilang kasiyahan sa kanilang nasaksihan. Talagang nag-iiba ang takbo ng buhay habang Umaga sensor.
1. Sabihin kung paano nagsimula ang kuwento. 2. Ano ang kasukdulan ng kuwento?
3. Ano ang naging wakas ng kuwento?
4. Ano ang ipinapahiwatig ng mga ikinilos ni Remy sa ikatlo at ikaapat na
5. Sa palagay ninyo, ano kaya ang naging epektong pagkikita nina Remy at Tiny Ismael at Arsenia?
6. Anong damdamin ang namamayani sa akdang binasa?
7. Bakit Senyorito, Senyorita ang naging pamagat ng akda?
8. Anong aral ang natutuhan mo sa kuwento?