ΚΑΒΑΝΑΤΑ 1 - ISANG PIGING A. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod. 1.Siya ang nagdaos ng hapunan sa kaniyang tahanan bilang pasasalamat sa ligtas na pagdating ni Crisostomo Ibarra. 2.Ito ang buong pangalan ni Kapitan Tiyago. 3.Siya ang matandang pinsan ni Kapitan Tiyago na sumasalubong sa mga panauhin. 4.Bilang ng taon na namalagi sa Padre Damaso sa bayan ng San Diego. 5.Pagkaing inihain sa hapunan na may magkahalong manok at upo. 6. Taguri sa mga Pilipino at inilalarawan na pabaya, mangmang, masama ang ugali, walang utang na loob at walang pinag-aralan. 7.Ang nagpahukay ng isang bangkay na naging dahilan nang pagpapalipat sa kaniya sa ibang bayan. 8. Panauhin sa piging na isang matandang Kastilang pilay na may maamong mukha. 9.Panauhin sa piging na isang matandang babaeng Pilipina na puno ng kulot at pintura ang buhok na gayak taga-Europa. B. Tama o Mali 10. Magkahiwalay ang mga bisitang babae at lalaki sa piging 11. Masaya si Padre Damaso nang lisanin ang San Diego. 12. Hindi itinituring ni Kapitan Tiyago ang sarili na siya ay Indio. 13. Nagkaroon ng pagtatalo si Padre Damaso at tenyente. C. Panuto: Tukuyin ang tauhan na nagsabi ng bawat linya. 14. "Ang Indio ay napakapabaya!" 15. "Kapag ipinaalis ng isang kura sa libingan ang bangkay ng isang erehe, ay walang sinuman, at kahit ang tunay na hari'y walang kapangyarihang manghimasok at walang karapatang magparusa."